Monday, June 13, 2011

Sa Lupang Sarili

Sisimulan ko ang blog na ito sa pakikibahagi sa inyo ng isang tula. Patatawarin ako kung wala ako maipakita kung sino ang gumawa nito. Hindi ko na maalaala. Ito ay natutuhan ko noon pang ako ay nasa ika-limang grado sa elementarya maraming dekada na ang nakalipas.

"SA LUPANG SARILI"

"Sa lupang sarili kay tamis mamuhay
Panatag ang iyong diwa't kalooban
Di mo kakilala ang gutom at uhaw
Malayo sa lungkot at kapighatian.

Ang buong maghapon sa tuwa'y di matapos
Sa piling ang iyong kababayang irog
Walang agam-agam maging sa pagtulog
Ang kapiling mo'y halamang malusog.

Maging dampa yata ang aking tahanan
Sa lupang sarili ay langit ang kabagay
Kung hitik sa bunga ang mga halaman
At busog sa lingap ng pagmamahalan."

Ito ang tunay kong nararamdaman noong ako ay nasa Lucban. Hindi ba masarap mamuhay sa ganitong bayan?

Kung alam ninyo kung sino ang sumulat ng tulang ito, mangyari lamang na mag-email sa pule.hermano!@gmail.com.

1 comment: